Friday, August 5, 2011

Pagpapahalaga sa Pambansang Wika

Filipino, pangunahing ginagamit na lengguwahe dito sa Pilipinas. Kapag dito ka lumaki sa Pilipinas, hindi makakaila na marunong ka ng wikang Pilipino. Gayunpaman, may mga kapwa tayong Pilipino na nag-aaral ng pandayuhang lengguwahe. Mga kapwa nating Pilipino na lumalabas sa ating bansa at doon mag tatrabaho sa ibang bansa upang may mapaidala na pera para sa kanilang pamilya upang meron itong pangbayad sa pangaraw-araw na gastusin.

Bagamat marami tayong mga kababayan na nasa ibang bansa, hindi mawawala sa kanilang damdamin at isipan ang wikang Filipino. 

Ang ating gobyerno naman ay gumagawa din ng mga aktibidades tungkol sa wikang Pilipino.Mga balagtasan, rap at tula ay iilan lamang sa mga aktibidades na gumagamit ng wikang Filipino.

Bilang isang mag-aaral, mamahalin ko ang ating sariling wika. Hindi ko man maiipangako na hindi ako gagamit ng pandayuhang lenggwahe, mamahalin ko ito dahil ako ay isang Pilipino. Ika pa nga Rizal, " Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay mas higit pa sa hayop at malansang isda"

This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook.

0 comments:

Post a Comment