Wikang Filipino ang ating ginagamit upang makipagkomunikasyon sa kapwa natin mga Pilipino. Ito din ang ginagamit sa iba pang mithin sa pangkabuhayan at kaunlaran. Ginagamit din ito para sa mga programa para sa tuwid na landas, para makapagbigay opinyon ang mga tao na hindi sang-ayon sa ginagawa ng gobyerno. Dahil sa ganitong paraan lamang masolusyonan ang ating buloktot na daan patungo sa tuwid na landas. Sa mamamayan nagsisimula ang pagbabago. Pinapahatid nila ang kanilang mensahe sa gobyerno sa pamamagitan ng pambansang wika natin. Gumagawa ang gobyerno ng mga programa na may ma-iitulong ng malaki sa ating pamayanan. Pagkatapos, nabibigyan na ng solusyon ang problema ng ating mga kapwa mamamayan. Ito ay nagsimula sa pagpapahiwatig ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng ating wika. Nagiging daan ang ating pambansang wika upang mapunta tayo sa tuwid na landas. Tunay nga na ang ating pambansang wika ay may malaking na-iambag sa ating lipunan.
This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook
This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook