Sunday, August 14, 2011

Wika sa Pagpapatupad ng Kaunlaran at disiplina ng Bayan

Ang mga batas natin ay walang kinikilingan.
May mga batas tayo upang madisiplinahan ang ating mga kapwa.
Pero walang tao sa mundo ang perpekto. Kaya may mga kapwa tayong Pilipino
ang sumusuway sa batas. Sa kabilang dako naman ay may mga dayuhan tayo dito
sa Pilipinas na hindi marunong umintindi ng ating sariling wika kaya may
sumusuway din na mga dayuhan sa ating mga batas.

Alin nang bang mas mainam gamitin na lengguwahe para sa ating mga batas?
Ang wikang pandayuhan o ang sarili nating wika?

Sa pagiging moderno nating ngayon, ginagamit natin ngayon ang mga pandayuhang lengguwahe
kagaya ng wikang Inggles. Ang ating mga batas ay ginamitan ng wikang Inggles
upang maintindihan ng mga dayuhan ang ating mga batas.
Sa kabilang dako naman ay may mga kapwa tayong Pilipino na hindi maintindihan ang mga dayuhang wika.
Dahil nito, may mga tyansang malalabag nila ang batas at sila'y makukulong
dahil hindi nila alam ang nakasaad sa mga batas.

Kung ako ang tatanungin, mas ma-inam na gamitin nalang ang sarili nating wika dahil inuuna natin
ang kapakanan ng ating mga kapwa Pilipino kaysa sa mga dayuhan at kung gagamitin naman ang pandayuhang
wika ay maraming maaapektohang mga kapwa nating Pilipino na hindi marunong umitindi sa mga pandayuhang wika.

This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook

0 comments:

Post a Comment